Trez & N-zeyn (Verzikhulo)
Title: Unang Sulyap
2012
Title: Unang Sulyap
2012
Hook:
bakit ba ano nga bang meron sayo
bakit ba nahulog ako
sa unang sulyap
gusto na kita
bakit ba ano nga bang meron sayo
bakit ba tumibok ang puso
sa unang sulyap
mahal na kita
Trez:
Tinamaan sayo parang shots ng tequila
magmahal dyan ako dakila
tila ulan na di tumitila
miss pwede ba na magpakilala
pagsulyap mo sakin para bang medusa
tumayo balahibo parang pusa
mga mata mong nag ni ningning
gusto kitang suotan ng sing sing
kahit tayo'y di bagay dahil tayo ay tao
ibang klase ikaw, ganda mo ay litaw
parang cyclops pamatay ang unang tingin
iba iyong dating, ikaw ang hunting-in
pinitas ang rosas, kulang na sa oras
wag ka ng tumakas, suotan ng posas
ika'y sana makilala
baka sakaling di na kita makita
N-zeyn:
Nakaupo kasama tropa nag chichill
Habang pinapapak ang full course meal
Nasan na ang bill?
Bakit ba ganito life walang thrill
Bigla kang napansin sa sulok ng aking eyes
Gusto kitang lapitan to break the ice
Thats so nice pero nahihiya
Gusto kong malaman ang pangalan mo ano kaya
Maganda mong mata sa paglugay ng buhok sa ere
Pagtatagpo natin para bang teleserye
Pero hanggang tingin lang aking nararating
Parang sining perpektong pangdesensyo sa dingding
Ang larawan mo mapulang labi mo
Mga sinasabi mo musika ito sa tenga ko
Bawat kilos mo namemorya ko
Pabalik na sulyap mo ang pagtatapos ng istorya ko
Trez:
Di' mo ba halata, hindi mo ba alam
ang lihim ko aaminin ko na lang
sa unang sulyap, sa unang tingin
handa ako handa kitang mahalin
No comments:
Post a Comment